Cute Tumblr Themes

'Coz I Live By Faith Not By Sight Ü

Infatuation.

Parang other term for crush, puppy love or panandaliang attraction. Minsan, lahat tayo akala natin love na, pero Infatuation lang pala. Gusto mo lang ang isang tao kasi may isang bagay lang na interesting sa kanya. Madalas to sa mga taong first time mo nakilala o nakita. Pero minsan, eto ang isa sa mga pagkakamali ng mga couple na kaka-start lang. Kasi, you keep on thinking yung bagay na interesting sa kanya, that’s why you like him/her. Lahat naman tayo may limits. Masama ang sobra-sobra. Nakakaumay ang araw-araw. In short, parang nauumay kana sa isang bagay na lagi mong kasama araw-araw. Parang nag-ulam ka ng hotdog sa isang linggo, maaumay at mauumay kana at syempre mag-hahanap kana ng iba. Yun ang infatuation. Parang posporo na nauubos rin ang pulbura.

Inlove.

Masaya ma-inlove sabi nila. Pero masakit rin sa huli. Well, masasabi mo lang na inlove ka kung masaya ka lagi kasama siya kahit araw-araw pa. Inshort, hindi nakakaumay na siomai. Haha. Pero minsan, masasabi mo lang na INLOVE ka pag wala na siya. Yung sure ka na may feelings pa kahit tapos na. Yung naaalala mo pa rin siya kahit may sumunod nang iba sa kanya. Naka-move on ka, pero kumakabog ang dibdib mo pag nakikita mo siyang may kasama nang iba. Pero ang love minsan, may halong sakripisyo para sumaya kayong pareho. Pwedeng hold on pa, pwede rin na magpalaya na. Sabi nga nila, kung mahal mo siya, palayain mo na. Well, andaming pwedeng explanations para sa mga inlove/love. Mararamdaman mo lang yung fireworks sa dibdib mo pag LOVE na.

Immaturity.

Eto yung madalas sa nasosobrahan sa expectations. Minsan, nagmama-ala fairy tales, koreanovela, etc .. ang isip. Eto yung mga taong OA na kung mag-isip. Minsan, anak kaagad, asawa kaagad. Pero pwede rin hindi pa. Haha. Eto kasi yung tipo na i-lilike mo yung lahat sa kanya. Parang sa facebook, lahat ng ipopost nya sa fb nya, ililike mo rin. Tapos, mag-popost sa wall nya ng mga cheesy lines, or pictures na may love. Eto rin minsan yung halos araw-araw mo siya gusto itext. Yung oras-oras mo siya gusto makita, segu-segundo na phone calls. Minsan, nagagalit sa mababaw na bagay, minsan iniiyakan pa kahit super babaw lang. Yung minsan, OA na. Pag iniisip mo na umiiyak ka, gusto mo i-comfort ka nya. Pag sinabi mong na-mimiss mo siya, gusto mo may reply kaagad na miss you too. In short, di mo binibigyan ng time yung partner mo para ma-miss ka. Di naman kasi lahat ng I LOVE YOU mo, kailangan may I LOVE YOU TOO kaagad. Di porket, hindi siya nagreply, iisipin mo kaagad na hindi kana nya mahal. Inshort ulit, madali kang MAG-ALANGAN sa mga bagay na mababaw. Antaas kasi ng expectations mo.







Following:




Likes:

See more stuff I like